Operasyon ng Dubai International Airport naantala dahil sa drone

By Angellic Jordan February 15, 2019 - 09:00 PM

Pansamantalang sinuspinde ang mga flight sa Dubai International Airport, araw ng Biyernes.

Sinuspinde ang mga biyahe sa paliparan dahil sa hinihinalang drone activity.

Nagsimulang isuspinde ang flights alas 10:13 ng umaga hanggang 10:45 ng umaga.

Isa ang Dubai airport sa mga busiest airport kung saan nakapag-serbiyso ng 81.4 milyong pasahero sa unang 11 buwan ng 2018.

Bumuhos naman ang mga reklamo ng mga pasahero sa Twitter dahil sa idinulot nitong delay sa mga biyahe.

TAGS: drone activities, Dubai International Airport, Radyo Inquirer, drone activities, Dubai International Airport, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.