Mga estudyante ng PLM, nagsagawa ng protesta laban sa ilang polisiya ng paaralan
Mariing kinondena ng National Union of Students of the Philippines o NUSP ang umano’y ginagawang panggigipit ng local administration ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila sa kanilang mga estudyante.
Biyernes ng hapon ay nagsagawa ng silent protest ang PLM student council officers at iba pang mga estudyante, laban sa ilang polisiya ng pamunuan ng PLM.
Karamihan sa mga estudyante ay may suot na itim na arm bands, na pakikibahagi sa Black Friday Protest.
Nakasaad sa kanilang mga banner, “End Student Repression,” “Hindi Maling Lumaban, May Mali Kaya Lumalaban” at iba pa.
Pero ang mga estudyanteng nag-protesta, nahaharap umano ngayon sa banta ng expulsion, suspension at iba pang disciplinary actions dahil sa kanilang ginawang aksyon sa campus grounds, at ngayo’y kumalat na rin sa social media.
Batay naman sa Ang Pamantasan Twitter account, may ilang estudyante raw ang hinuli.
Itinanggi naman ng PLM ang mga akusasyon, at sinabing “infiltrated” o napasok ng mga militante ang kanilang campus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.