Rebeldeng nagbalik-loob sa gobyerno arestado sa pagbibitbit ng baril sa Bataan

By Dona Dominguez-Cargullo February 15, 2019 - 03:30 PM

Dinakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Bataan Provincial Police Office ang isang dating rebelde na nagbalik-loob sa gobyero.

Ito ay dahil sa kasong illegal possession of firearms.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office 3 (PRO-3) CIDG, ang suspek na si Ronaldo Tangente ay nadakip sa Barangay Liyang, Pilar, Bataan sa bisa ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Marion Jacqueline Poblete ng Regional Trial Coourt ng Bataan.

Nakuha sa suspek ang isang .38 caliber revolver ba may apat na mga bala, dalawang basyo ng bala, at isang rifle grenade.

Si Tangente ay dating miyembro ng New People’s Army at nag-ooperate sa Bataan at Zambales.

Taong 2009 nang sumuko ito sa gobyerno pero naging kasapi naman ng “Limay Criminal Group” na sangkot sa gunrunning at gun-for-hire activities.

Mahaharap si Tangente sa kasong paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Law at R.A. 9516 o Illegal Possession of Explosive.

TAGS: bataan, former npa, pilar, bataan, former npa, pilar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.