Temperatura sa Metro Manila bumagsak sa 19 degrees Celsius ngayong umaga
Naitala kaninang umaga (Feb. 15) ang pinakamalamig na temperatura sa Metro Manila ngayong taon.
Ayon kay PAGASA weather specialist Benny Estareja, naitala ang 19 degrees Celsius sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.
Ito ang pinakamababang temperatura sa Metro Manila ngayong 2019 kapantay ng 19 degrees Celsius noong January 17 ng umaga.
Kahapon, 20.6 degrees Celsius ang naitalang pinakamababang temperatura sa Metro Manila.
Samantala, sa Tuguegarao City, nakapagtala din ng malamig na 17.2 degrees Celsius ngayong umaga.
Sa kasaysayan, 15.1 degrees Celsius ang naitalang pinakamababang temperatura sa Metro Manila noong Feb. 4, 1987 at Dec. 30, 1988.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.