Halos 100 katao arestado sa anti-criminality campaign sa Pasay City

By Dona Dominguez-Cargullo February 15, 2019 - 06:23 AM

Arestado ang halos 100 katao sa Pasay City dahil sa paglabag sa ordinansa sa lungsod at dahil sa ilegal na droga.

60 sa mga dinampot ay pawang lumabag sa ordinansa gaya ng pag-iinuman sa lansangan at paninigarilyo sa pampublikong lugar.

Kasama sa nadampot ay ang mag-asawa na umiinom sa labas ng kanilang bahay gabi ng Valentine’s Day.

Limang lalaki naman ang dinampot dahil sa pagsusugal at mayroon ding nahulihan ng armas.

Aabot naman sa 24 na katao ang inaresto na pawang sangkot sa illegal na droga.

Ang pito sa kanila ay nadakip sa ikinasang buy-bust operation.

TAGS: anti-criminality campaign, Pasay City, Radyo Inquirer, anti-criminality campaign, Pasay City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.