Mag-anak arestado dahil sa droga sa San Juan City

By Rhommel Balasbas February 15, 2019 - 04:01 AM

Credit: Eastern Police District

Naaresto ng mga pulis dahil sa droga ang apat na miyembro ng isang mag-anak sa Brgy. San Perfecto, San Juan City.

Isinilbi ng San Juan Police ang search warrant na inilabas ng Pasig City Regional Trial Court Branch 152 laban kina Juan Jocarl Salvador Chua, Robert Joseph Chua, at Jason Chua.

Dito tumambad sa mga awtoridad ang 32 plastic sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Huli rin sa operasyon ang isang Roberto Chua.

Dinala ang mga suspek sa Jose Reyes Medical Center para sa physical examination at isinailalim din sila sa drug test sa Crime Laboratory Service ng Eastern Police District.

Credit: Eastern Police District

Ang mga ebidensya naman na nakuha ng pulisya ay dinala na rin sa crime lab para masuri.

Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek.

TAGS: Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, crime lab, Droga, mag-anak, Pasig City Regional Trial Court Branch 152, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, crime lab, Droga, mag-anak, Pasig City Regional Trial Court Branch 152

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.