Duterte: Build Build Build projects naaantala dahil sa kakulangan ng skilled workers
Isinisisi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kakulangan ng skilled workers ang pagkakabalam ng implementasyon ng infrastructure projects sa ilalim ng “Build, Build, Build” program ng kanyang administrasyon.
Sa kanyang talumpati sa kick-off rally ng senatorial candidates ng PDP-Laban sa San Jose del Monte, Bulacan, sinabi ni Duterte na kulang ang trabahador para sa proyekto.
“Itong Build, Build, Build, medyo atrasado. Walang trabahante,” ani Duterte.
Dahil dito, hinimok ng pangulo ang mga rebelde na magsisuko at sumali sa training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Sa Memorandum Circular 57 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea noong February 7, inatasan ng Palasyo ang mga ahensya ng gobyerno na siguruhing matatapos ang infrastructure projects sa takdang panahon.
Giit ng Malacañang, ang mga hindi natapos na proyekto ay nagdudulot ng abala sa publiko at nakakaapekto sa pagsasakatuparan ng mga serbisyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.