Hatol sa Maguindanao Massacre hindi inaasahan sa panahon ng Aquino Administration
Hindi na umaasa ang Department of Justice na may mahahatulan sa isa man sa akusado sa Maguindanao massacre sa ilalim ng termino ni Pangulong Benigno Aquino III.
Ito ang inamin ni Justice Secretary Alfredo Benjamin Caguiao sa kabila ng naunang pahayag ni dating Justice Sec. Leila De Lima na maibababa ang hatol sa pangunahing akusado sa masaker na sina Andal Ampatuan Jr. at kapatid na si Zaldy bago bumaba sa puwesto ang pangulo sa June 30, 2016.
Iginiit ng DOJ na hindi kontrolado ng prosekusyon ang takbo ng kaso.
Gayunman, handa umano ang panig ng prosekusyon na barahin ang anumang delaying tactic na ginagawa ng depensa.
Kahapon ay ginunita ang ika-anim na taon ng Maguindanao massacre na ikinasawi ng mahigit limampu’t walong katao kabilang ang nasa tatlumput apat na manamahayag.Hindi makatotohanan ang pagbababa ng hatol sa Maguindanao Massacre bago matapos ang termino o sa termino ni Pangulong Benigno Aquino III ayon Mismo sa DOJ.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.