5 Pilipinong seamen, nawawala sa Falkland Islands
Nawawala ang limang Pilipinong crew ng isang Taiwanese fishing vessel na nasunog sa Falkland Islands.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi ng Philippine Embassy sa London na nangangalap sila ng dagdag impormasyon ukol sa insidente.
Nakikipag-ugnayan ang mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa mga otoridad sa lugar at sa agency ng Pinoy seafarers at handa umano ang mga ito na tumulong.
Umaasa naman ang DFA na matatagpuan ang limang Filipino seaman.
Sinabi ni Ambassador to the United Kingdom Antonio Lagdameo na ang mga Pinoy ay kasama sa 69 crew members ng bangkang pangisda mula Taiwan na nasunog noong February 11.
Ang Pilipinas ang isa sa mga pinakamalaking bansa na nagbibigay ng shipping manpower sa buong mundo.
Mahigit 20 percent ng 1.2 milyong seamen sa buong bansa ay nagtatrabaho sa mga oil tanker, luxuty liner at pampasahero at pangisdan barko sa buong mundo.
Dahil dito ay lantad ang mga Pinoy seafarers sa atake ng mga pirata at aksidente sa dagat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.