WATCH: Pag-aresto kay Maria Ressa, hindi pag-atake sa media-Duterte
Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang pag-aresto kay Rappler CEO Maria Ressa ay pag-atake sa media.
Sa panayam ng media sa proclamation rally ng kanyang partido sa Bulacan, nagulat ang Pangulo na sinisi ng international organizations ang kanyang administrasyon sa pag-aresto kay Ressa.
Ayon kay Duterte, hindi niya alam na inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Rappler CEO dahil sa kasong cyber libel.
Hindi rin umano kilala ng Pangulo ang negosyanteng si William Keng na nagsampa ng kaso laban kay Ressa.
Dagdag ng Presidente, hindi siya makapag-bigay ng opinyon sa kaso dahil hindi pa niya nababasa ang alegasyon laban sa top executive ng naturang online news site.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.