WATCH: Dagdag-trabaho para sa Visayas, target ng Ako Bisdak partylist

By Angellic Jordan February 14, 2019 - 10:30 PM

Sa pagtakbo sa May 13 elections, target ng Ako Bisdak partylist na madagdagan ang trabaho sa Visayas region.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Ako Bisdak 2nd nominee Rommel Gavieta na nais nilang magdagdag ng trabaho para hindi na lumuwas ang mga residente patungong Maynila.

Ito kasi aniya ang nagiging sistema ng mga Bisaya para makahanap ng trabaho dahil sa kakulangan ng oportunidad sa rehiyon.

Dahil dito, ibinahagi ni Retired Rear Admiral Ernesto “Eboy” Enriquez, secretary general ng partylist, na nagkakahiwa-hiwalay ang mga pamilya para kumayod sa bahagi ng Luzon.

Malaki aniya ang potensyal ng buong Visayas ngunit nakalulungkot na kulang ang oportunidad sa rehiyon.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Gavieta:

TAGS: Ako Bisdak partylist, Ernesto Enriquez, Rommel Gavieta, trabaho, Visayas, Ako Bisdak partylist, Ernesto Enriquez, Rommel Gavieta, trabaho, Visayas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.