Ibinasura ng Sandiganbayan 3rd Division ang kasong graft laban kay dating Philippine Amusement Gaming Corporation (Pagcor) chairman Efraim Genuino.
Sa resolusyon na may petsang February 7, ipinagkaloob ng anti-graft court ang hiling ng prosekusyon na i-witdraw ang kasong paglabag umano sa Section 3 (e) ng Republic Act 3019 o Anti-Gract and Corrupt Practices Act.
Sa impormasyon ng kaso, naglabas umano ng P37 Million pondo si Genuino sa Philippine Amateur Swimming Association Inc. (PASA) para sa pagsasanay ng swimmers na lumahok sa 2012 Olympics nang hindi aprubado ng Pagcor Board.
Inilabas umano ang mga tseke sa pagitan ng April 2007 hanggang August 2009.
Ayon sa prosekusyon, kasama na ang P9 Million na nakapaloob sa Information in Criminal Sheet No. 0326 sa P37 Million sa Criminal Sheet No. 0327.
Kasunod nito, inalis na ng Sandiganbayan ang Hold Departure Order laban kay Genuino at inilabas na rin ang cash bail bond nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.