Budget ng PDEA natapyasan ng 40%; mga dagdag na gamit ngayong 2019 nanganganib na hindi mabili

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2019 - 09:21 AM

PDEA photo
Malaki ang natapyas sa budget ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong taong 2019.

Dismayado si PDEA chief Dir. General Aaron Aquino dahil pagdating sa bicameral conference committee ay tinapyasan ng 40% ang kanilang budget.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Aquino na P2.1 billion lang ang budget ng PDEA ngayong taon kumpara sa P2.9 billion noong 2018.

Nakalulungkot ayon kay Aquino dahil sa kabila ng kaunti nilang tao, ay ginagawa naman lahat ng PDEA para mapaigting ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga at patunay dito ang dami ng mga nasasabat nila sa mga operasyon.

Dahil dito ayon kay Aquino, ang mga nakalinyang dagdag na gamit ng PDEA ngayong taon ay maaring hindi nila mabili.

Kabilang sana sa mga nakaplano ay ang pagbili ng dagdag na mga sasakyan, mga baril at 100 sniffing dogs na malaki ang nagiging tulong sa kanilang mga operasyon kontra ilegal na droga.

Kung tutuusin ani Aquino mas malaki pa ang halaga ng mga ilegal na droga at kagamitan na kanilang nakukumpiska kumpara sa sa budget ng PDEA.

Pero sa kabilang ng kaltas sa kanilang budget sinabi ni Aquino na hindi papapigil ang PDEA sa kanilang laban kontra ilegal na droga.

TAGS: 2019 budget, PDEA, Philippine Drug Enforcement Agency, War on drugs, 2019 budget, PDEA, Philippine Drug Enforcement Agency, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.