Liquid items na hindi lalagpas sa 100ml ang sukat, pwede na sa MRT-3
Pinapayagan na muli ng Metro Rail Transit – 3 ang pagpasok ng liquid items sa mga tren.
Ito ay sa kondisyon na dapat hindi lalagpas sa 100 millliliters ang sukat ng mga liquid item na ipapasok sa MRT.
Kabilang sa mga papayagan ay tubig, gatas, pabango, lotion at iba pa basta’t pasok sa 100ml ang dami.
Magugunitang marami ang umalma sa mahigpit na seguridad sa MRT-3 dahil kahit kaunti lamang ang dalang likido ay hindi pa rin ito pinapayagan at kinukumpiska pa rin ng mga gwardya.
Ayon naman sa MRT-3 ang mga nakumpiskang liquid items gaya ng pabango at lotion ay maaring balikan ng mga pasahero sa istasyon kung saan ito nakumpiska para kanilang mabawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.