Jason Ivler, hinatulang guilty sa kasong pagpatay kay Renato Victor Ebarle Jr.

By Jong Manlapaz, Ricky Brozas November 24, 2015 - 04:06 PM

“Guilty beyond reasonable doubt”

Iyan ang naging hatol ng Quezon City Regional Trial Court Branch 84 sa kasong murder na inihain ng People of the Philippines laban kay Jayson Ivler.

Ito ay matapos mapatunayang guilty sa pagpatay kay Renato Victor Ebarle Jr. noong taong 2009 dahil sa away trapiko.

Maliban sa Reclusion Perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo ay pinagbabayad din ng hukuman sa ilalim ng sala ni Judge Luisito Cortez ng mahigit 9.8 million pesos na danyos si Ivler na may taunang interes na anim na porsiyento.

Sa panayam ng media matipid na sinabi ni Ivler na siya’y inosente.

Ayon naman kay dating Office of the President Undersecretary Renato Ebarle Sr., ama ng biktima na si Renato Victor Ebarle Jr, masaya siya sa naging desisyon ng Korte, subalit malungkot pa rin dahil hindi na maibabalik ang buhay ng kanyang anak.

“Nakuha namin yung hustisya, siyempre yung buhay ng bata hindi na maibabalik.” ani Usec. Ebarle Sr.

Para naman kay VACC Chairman Martin Diño, kulang ang parusang habambuhay na pagkakakulong kay Ivler sa dami na aniya ng napatay nito.

Dapat umanong parusang bitay ang naging hatol ng korte.

“Kulang dapat i-death penalty ito, tapos bantayan natin yan, baka naka aircon yan, eh may pera,” ani Diño.

Dumating din sa pagbasa ng sakdal ang Folk Singer na si Freddie Aguilar upang magbigay ng suporta sa kanyang pamangkin na si Jason Ivler habang hindi naman dumating ang ina nito na si Marlene Aguilar.

TAGS: Jason Ivler found guilty, Jason Ivler found guilty

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.