Nueva Ecija, isasailalim sa land reform program

By Rhommel Balasbas February 14, 2019 - 03:36 AM

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilagay ang Nueva Ecija sa agrarian reform program.

Sa kanyang talumpati sa Laur, Nueva Ecija, sinabi ng Presidente na sa susunod na linggo ay magpapadala siya ng mga opisyal para sa implemantasyon ng land reform sa lalawigan.

Ayon kay Duterte ipinaabot sa kanya ng ilang mga residente ang problema sa lupa at tubig sa probinsya.

Iginiit ng pangulo na ang problema ng bansa sa rebelyon ay hindi matatapos hangga’t hindi nasosololusyonan ang mga problema sa lupa.

“At this time of our national life, unless we solve this age-old problem of getting the lands to the people, we can never end the insurgency problem,” ani Duterte.

Ayon pa kay Duterte, ang land distribution ay magreresulta para mapalago ang mga lupa at umayos ang kabuhayan ng mga tao.

“So 10 years from now, mga anak ninyo makatikim ng pera. At least sa buhay nila, ‘yung generation niya makatikim ng milyon,” giit ng Pangulo.

Sinabi ng Presidente na nakapagbigay na siya ng 60,000 land titles sa mga benepisyaryo.

TAGS: Agrarian Reform Program, land reform, lupa, rebelyon, Rodrigo Duterte, tubig, Agrarian Reform Program, land reform, lupa, rebelyon, Rodrigo Duterte, tubig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.