James Yap, isinalba ang Rain or Shine kontra sa dating team na Magnolia

By Len Montaño February 14, 2019 - 02:36 AM

Credit: Tristan Tamayo, Inquirer.net

Sa malaking bahagi ng kanyang basketball career, ilang panalo na ang ibinigay ni James Yap sa Purefoods franchise bago ito na-trade sa ibang team noong 2016.

Sa ngayon ay tila pinarusahan ni Yap ang dati nitong koponan.

Ang three-point play ni Yap ang dahilan ng ga-hiblang panalo ng Rain or Shine laban sa Magnolia sa PBA Philippine Cup sa score na 75-74.

Dahil sa kanyang tira ay napeke ni Yap ang 3 players ng Hotshots sa natitirang 3.2 segundo ng laro.

Ayon kay Painters head coach Caloy Garcia, alam nila na gusto ni Yap na manalo kontra Magnolia kaya titira ito sa huling bahagi ng laban manalo man o matalo.

Naitala ni Yap ang game-high 18 points at five rebounds habang nagdagdag sina Maverick Ahanmisi ng 13 points at pitong rebounds at Norbert Torres ng 11 points.

Samantala, si Ian Sangalang ang nanguna sa Hotshots sa ginawa nitong 16 points at 18 rebounds.

TAGS: elasto painters, Hotshots, Ian Sangalang, James Yap, Magnolia, PBA Philippine Cup, Rain or Shine, elasto painters, Hotshots, Ian Sangalang, James Yap, Magnolia, PBA Philippine Cup, Rain or Shine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.