6 patay sa dengue sa Eastern Visayas mula Enero
Anim na agad ang nasawi dahil sa dengue sa Eastern Visayas sa pagsisimula ng 2019.
Ayon sa Department of Health – Eastern Visayas, mula Enero hanggang Pebrero ay pumalo na sa 1,169 na ang kaso ng dengue sa rehiyon.
Doble ito sa bilang na naitala sa kaparehong panahon na mayroon lamang 561 kaso.
Ayon kay DOH – Eastern Visayas regional director Dr. Minerva Molon, posibleng ang pagpapabaya sa paglilinis sa kapaligiran ang dahilan ng pagdami ng kaso ng sakit.
Paliwanag ni Molon kung ang isang baranggay ay may kaso ng dengue at maglilinis, ang susunod na baranggay naman na hindi pa naglilinis ang lilipatan ng mga lamok na may dalang sakit.
Hinimok ng kagawaran ang publiko na panatilihin ang kalinisan lalo na sa mga lugar ng bahay na maaaring pamugaran ng lamok.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.