Phil. Red Cross, nagtayo ng measles care unit sa San Lazaro Hospital
Nagtayo ng Measles Care Unit ang Philippine Red Cross sa San Lazaro Hospital.
Ito ay dahil sa inaasahang pagdagsa pa ng mga pasyente na posibleng may tigdas.
Layon ng itinayong Measles Care Unit na mapaluwag ang San Lazaro Hospital at makapagbigay ginhawa sa mga pasyente.
Ang Measles Care Unit ay isang outdoor hospital setup na air-conditioned, may double deck beds, chairs, mini-emergency room at mayroon ding admission area.
Mayroon ding welfare desks ang mga tents para malaman ang pangangailangan ng mga pamilya.
Accessible din sa mga pasyente ang itinayong portalets.
Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, ang extension ward na ito ay makatutulong sa mga pasyente lalo na at siksikan at naghahati na ang dalawa hanggang tatlong pasyente sa isang kama sa San Lazaro Hospital.
Ilang oras lang mula nang buksan ang Measles Care Unit, 23 pasyente agad ang inobserbahan at umabot sa 10 ang naka-admit dito hanggang Miyerkules ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.