Koko Pimentel, ikinatuwa ang pagbasura ng Comelec sa disqualification case laban sa kanya

By Angellic Jordan February 13, 2019 - 08:57 PM

Ikinatuwa ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III ang pagbasura ng Commission on Elections (Comelec) sa inihaing disqualification case laban sa kanya.

Sa inilabas na pahayag, isinalarawan ni Pimentel ang kaso bilang “Damocles’ sword” sa kaniyang kandidatura.

Sa desisyon ng Comelec 5th Division, lumabas na walang sapat na merito ang disqualification case laban sa senador.

Nakasaad sa dokumento na malinaw na hindi nakumpleto ni Pimentel ang kaniyang unang termino mula 2007 hanggang 2013 dahil sa election protest.

Dahil dito, hindi maaaring i-apply ang two-term limit sa sitwasyon ng senador.

Dahil tapos na ang isyu, inaasahan ng senador na hahatulan ng publiko ang kaniyang kandidatura base sa kaniyang kwalipikasyon, achievements, mga plano at adbokasiya.

TAGS: Aquilino "Koko" Pimentel III, comelec, Disqualification case, Aquilino "Koko" Pimentel III, comelec, Disqualification case

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.