Pinoy Muslims sa Pilipinas, hinikayat ng Malakanyang na makiisa sa pligrim sa Mecca

By Chona Yu February 13, 2019 - 08:51 PM

Hinimok ng Palasyo ng Malakanyang ang mga Filipino Muslim na makikiisa sa Hajj pilgrimage sa Mecca, Saudi Arabia.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, dapat na samantalahin ng mga Filipino muslim ang mga reporma na ginawa ng Office of the President sa pamamagitan ng National Commission on Muslim Filipinos para sa mga pilgrim.

Halimbawa na aniya ang four-star hanggang five-star hotel accommodation para sa mga pilgrim taliwas sa mga substandard accommodation noong mga nakaranag taon.

Ayon kay Panelo, bunga kasi ito ng pakikipag-usap ng gobyerno ng Pilipinas sa Saudi Arabia.

Sinabi pa ni Panelo na nadagdagan na rin ang airlines na bumibiyahe sa Saudi Arabia.

Kung dati rati kasi aniya ay dalawang airlines lamang ang bumibiyahe sa Saudi Arabia. Ngayon ay tatlo na dahilan para makatipid ang isang pilgrim ng 11,000 hanggang 30,000 na pamasahe sa eroplano.

Tinanggal na rin aniya ang mga unauthorized at corrupt add-ons fees sa mga pilgrim.

Tinatayang aabot sa 6,000 hanggang 8,000 Filipino Muslims ang inaasahang makikiisa sa pilgrimage sa Necca sa buwan ng Agosto.

TAGS: Filipino Muslim, Hajj Pilgrimage, mecca, saudi arabia, Sec. Salvador Panelo, Filipino Muslim, Hajj Pilgrimage, mecca, saudi arabia, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.