Comelec, umaasang matatapos ang bilangan ng 2nd BOL plebiscite result ngayong araw

By Angellic Jordan February 13, 2019 - 08:45 PM

INQUIRER.net Photo | Daphne Galvez

Umaasa ang Commission on Elections (Comelec) na matatapos ang tabulation ng resulta ng ikalawang Bangsamoro Organic Law (BOL) plebiscite sa Lanao del Norte at North Cotabato ngayong araw (Miyerkules).

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, nagkakaroon lamang ng delay sa tabulation ngunit lahat naman aniya ng boto ay nasa kanila na.

Dalawang beses nang naantala ang proklamasyon ng posibleng inclusion sa Lanao del Norte at ilang munisipalidad sa North Cotabato.

Matatandaang unang target ng Comelec na matapos ang canvassing ng February 6 plebiscite sa loob lamang ng apat na araw.

TAGS: BOL plebiscite, comelec, Lanao del Norte, North Cotabato, BOL plebiscite, comelec, Lanao del Norte, North Cotabato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.