Malawakang pagbabakuna kontra tigdas isinagawa sa Makati City mula ngayong araw
Naglunsad ng malawakang pagbabakuna ang Makati City government kontra sa sakit na tigdas.
Inumpisahan ngayong araw (Feb. 13) ang pag-iikot ng mga tauhan ng Makati Health Department (MHD) sa mga bahay para matiyak na mababakunahan ang lahat ng bata.
Base sa abiso ng City Hall, bibigyan ng bakuna ang mga batang may edad mula anim na buwan hanggang 5 taon.
Para sa mga batang edad 6 hanggang 8 buwan, Measles Rubella Vaccine ang ibibigay, habang sa mga batang 9 na buwan pataas ay Mumps Measles Rubella (MMR) Vaccine naman ang ibibigay.
Maaari ding magpunta sa pinakamalapit na health center para pabakunahan ang mga bata hanggang sa March 8, 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.