BLACKPINK inanunsyo ang kanilang U.S. Tour
Matapos ang isang successful concert ng Korean girl group na BLACKPINK sa Pilipinas, inanunsyo naman ng grupo ng kanilang pinakaunang U.S. tour.
Bahagi ng North America tour ng BLACKPINK ang Los Angeles, Chicago, Hamilton, Newark, Atlanta at Fort Worth.
Inanunsyo ng girl group na BLACKPINK ang kanilang upcoming U.S. tour sa “The Late Show With Stephen Colbert”.
Sa naturang show nag-perform din ang grupo ng kanilang hit single na “Ddu-du Ddu-du”.
Matapos ang kanilang TV performance, nagpost ang apat na miyembro ng girl group na sina Rose, Jennie, Lisa, at Jisoo sa kanilang pagbisita sa nasabing network.
Ngayong umaga naman ay bumisita ang BlackPink sa “Good Morning America” na kung saan matapos ang kanilang TV performance ay inanunsyo ng girl group ang kanilang pagpunta sa Coachella ngayong darating na Abril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.