Arellano Lady Chiefs, 3-peat sa NCAA

By Rhommel Balasbas February 13, 2019 - 03:53 AM

Credit: Mark Giongco, Inquirer

Tila gumawa ng dinastiya sa NCAA women’s volleyball tournament ang Arellano University.

Ito ay matapos masungkit ng Lady Chiefs ang ikatlong championship araw ng Martes nang lampasuhin ang University of Perpetual Help sa iskor na 22-25, 25-15, 25-18, 25-18.

Pinangunahan nina Regine Arocha at Nicole Ebuen ang Lady Chiefs para makamit ang kampeonato na kanila nang ikaapat sa loob lamang ng limang taon.

Ayon kay Arellao coach Obet Javier, mataas ang kanilang respeto sa Lady Altas na talagang pinag-aralan ang kanilang mga laro.

Ang pagkatalo anya nila noong Game 1 ay malaking bagay para bumangong muli ang kanyang koponan.

Ayon naman sa coach, hindi pa rin sila kuntento sa panalo at susubukang mapalawig pa ang kanilang dinastiya.

TAGS: 3-peat, Arellano Lady Chiefs, Arellano University, NCAA, NCAA women's volleyball tournament, University of Perpetual Help, 3-peat, Arellano Lady Chiefs, Arellano University, NCAA, NCAA women's volleyball tournament, University of Perpetual Help

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.