Nakaligtas ang isang 4 anyos na batang babae mula sa sunog sa isang bahay sa 14th Avenue, Barangay Socorro sa Quezon City Martes ng gabi.
Halos isang oras an tumagal ang sunog at umabot lamang sa unang alarma bago tuluyang naapula.
Matapos ang sunog sa gitna ng cleating operations ay naiulat na nawawala ang hindi pinangalanang bata.
Makalipas ang ilang oras na paghahanap ay nakita ang bata sa loob ng nasunog na bahay.
Ayon sa pamilya ng bata, maituturing na himala kung paano ito nakaligtas mula sa sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.