DOJ, ibinasura ang 2-counts of murder laban kay Trese Martires Mayor Melandres de Sagun

By Isa Avendaño-Umali February 13, 2019 - 01:37 AM

Ibinasura ng Department of Justice o DOJ ang dalawang bilang ng kasong murder laban kay Trece Martires, Cavite Mayor Melandres de Sagun.

Ang alkalde ay iniuugnay sa pamamaslang kay Vice Mayor Alexander Lubigan.

Ibinasura rin ang kahalintulad na reklamo laban kina Luis Abad Jr., at Ronel Bersamina.

Subalit tuloy naman ang pagsasampa ng 2-counts ng murder laban sa gunman na si Ariel Paiton, habang accessory to the crime kontra kay Maragondon Councilor Lawrence Arca.

Nauna nang sinabi ng biyuda ni Lubigan na si Ginang Gemma Lubigan na si de Sagun ang umano’y “mastermind” sa pagpatay sa bise alkalde.

Ayon kay Ginang Lubigan, iniutos daw ni de Sagun ang pagpaslang sa kanyang mister, nang nagpahayag ito ng pagkandidato bilang mayor sa 2019 midterm polls.

TAGS: 2 counts of murder, DOJ, mastermind, Mayor Melandres de Sagun, Vice Mayor Alex Lubigan, 2 counts of murder, DOJ, mastermind, Mayor Melandres de Sagun, Vice Mayor Alex Lubigan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.