Mayor Baldo, pinayagan ng korte na magpiyansa

By Len Montaño February 12, 2019 - 11:15 PM

Pinagbigyan ng korte ang hiling ni Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo na magpiyansa dahil sa kabiguan ng prosekusyon na magsampa ng kaso laban sa kanya.

Pinayagan ng Legazpi City Regional Trial Court Branch 10 ang hiling ni Baldo na maglagak ng piyansa na halagang P3 milyon o surety bond na P4 milyon.

Sa 7 pahinang utos ni Judge Maria Theresa San Juan-Loquillano, nakasaad na walang kasong isinampa laban sa alkalde.

Si Baldo ang itinuring na utak sa pagpatay kay Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe at police escort nitong si SPO2 Orlando Diaz.

Noong January 22 ay inaresto ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang alkalde matapos madiskubre ang mga baril at bala sa bahay nito.

Sumailalim si Baldo sa inquest proceedings pero pumirma ito ng waiver of detention bilang kundisyon sa preliminary investigation. Naospital ito kalaunan dahil sa hika.

Naghain ang mga abogado ng alkalde ng motion to post bail sa gitna ng preliminary investigation at pinagkomento ng korte ang prosekusyon ukol dito.

Pero noong February 7 ay nalaman ng korte na ang panel of prosecutors mula sa Albay ay nag-inhibit sa paghawak sa kaso kaya nagkaroon ng mga bagong prosecutors mula sa Camarines Sur.

Gayunman hiniling ng bagong prosekusyon na ma-excuse sila sa pagbigay ng pahayag ukol sa lakas o hina ng kaso dahil hindi pa ito pormal na sumailalim sa imbestigasyon.

Sa desisyon ng korte ay ginamit ang probisyon na sinumang nasa kustodiya ng otoridad na walang kaso sa korte ay pwedeng magpiyansa.

TAGS: Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe, Daraga Mayor Carlwyn Baldo, motion to bail, piyansa, PNP-CIDG, Preliminary Investigation, prosekusyon, Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe, Daraga Mayor Carlwyn Baldo, motion to bail, piyansa, PNP-CIDG, Preliminary Investigation, prosekusyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.