Malacañang: Armida Seguion-Reyna malaking kawalan sa entertainment industry
Nagpa-abot ng pakikiramay ang Malacañang sa pamilyang naiwan ni dating movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman ArmIda Seguion-Reyna.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nawalan ng haligi ang industriya ng entertainment sa pagpanaw ni Seguion-Reyna.
Binanggit rin ni Panelo na hindi matatawaran ang naiambag ni Seguion-Reyna sa mundo ng entertainment industry.
Dagdag ng kalihim kung pagbabasehan ang talambuhay ni Seguion-Reyna, makikilala ito bilang isang independent na babae na matapang na hinarap ang mga kritiko.
Ayon kay panelo, naalala pa raw niya noong lumalaki siya na natutunghayan ang mga programa ng batikang aktres, singer at producer na Aawitan Kita, Anak Dalita at Dahil sa’yo.
Pinasikat din aniya ni Seguion-Reyna ang mga Kundiman na kanta sa Pilipinas.
“Her voice whether singing kundimans or advocating free expression will be missed by many of us so we pray for the eternal repose of her soul and may perpetual light shine upon her”, ayon pa kay Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.