Opisina ng isang senatorial candidate tinangkang pasukin sa Davao City

By Angelic Jordan February 12, 2019 - 03:12 PM

Arestado ang isang 90-anyos na lolo sa Davao City.

Naaresto ang suspek na si Bambaran Bantog dahil sa umano’y pagtatangkang pasukin ang opisina ni dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, Lunes ng hapon.

Sa ulat ng Davao City Police Office, dinala si Bantog sa himpilan ng pulisya ng sundalong nagbabantay sa gate ng opisina makaraan siyang makita na nagmamanman sa paligid ng nagtangkang pumasok sa nasabing opisina.

Nang kapkapan ng mga otoridad ay nakuha sa kanya ang isang baril at dalawang patalim.

Nakuha sa loob ng sling bag ng suspek ang isang Cal. 45 pistol na kargado ng 11 bala, dalawang kutsilyo at isang gunting.

Kinumpirma naman ni Go ang insidente sa kaniyang tweet.

Mahaharap ang suspek sa kasong illegal possession of firearms and deadly weapons at paglabag sa election gun ban.

TAGS: Bambaran Bantog, bong go, Davao City, Robbery, Bambaran Bantog, bong go, Davao City, Robbery

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.