Miyembro ng Abu Sayyaf na sangkot sa bus bombing sa Kidapawan at kidnapping sa sa Basilan naaresto sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo February 12, 2019 - 11:45 AM

PNP Photo
Arestado sa Maynila ang isang miyembro ng Abu Sayyaf na sangkot sa mga insidente ng pambobomba at pagdukot ilang taon na ang nakararaan.

Kinilala ang suspek na si Daiyung Abdurahman alyas Biznar Salabudin na ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ay nadakip sa Malate, Maynila.

May kasong kidnapping at serious illegal detention ang suspek.

Sangkot si Abdurahman sa pagpapasabog sa Kidapawan Bus terminal noong taong 2012 gayundin sa pagdukot sa 15 empleyado ng Golden Harvest Plantation noong taong 2001.

Sa kabila ng pagkakadakip sa naturang Abu Sayyaf member sa Maynila, sinabi ni National Capital Region Police Office chief Dir. Guillermo Eleazar na walang banta ng terorismo sa Metro Manila.

TAGS: abu sayyaf member, kidapawan bus bombing, malate manila, Radyo Inquirer, abu sayyaf member, kidapawan bus bombing, malate manila, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.