LOOK: Mga hindi pa nababaklas na election propaganda ng mga kandidato ibinahagi sa social media ng Comelec
Sa pag-arangkada ng campaign period ngayong araw marami pa ring election propaganda ng mga kandidato na nasa mga bawal na lugar at hindi pa nababaklas.
Ibinahagi ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa social media ang larawan ng mga election materials na nasa bawal na mga lugar.
Kabilang dito ang poster ng TGP party-list na bagaman tama ang sukat ay mali ang lugar na pinaglalagyan dahil nasa poste ito ng kuryente.
Gayundin ang poster ng SBP part-list na ayon kay Jimenez mali ang pwesto at mali din ang sukat.
Nagbahagi din si Jimenez ng mga poster ng ilang senatorial candidates na nasa maling lugar o nakapaskil sa hindi itinuturing na common poster area.
Kabilang dito ang mga nakalagay sa poste, footbridge at iba pang bawal na paglagyan ng election materials.
Pakiusap ng Comelec sa mga kandidato at party-list groups alisin na ang mga poster nila na nasa bawal na mga lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.