Magkakaibang halaga ng kaltas sa presyo ng produktong petrolyo, ipinatupad ng mga kumpanya ng langis
Nagpatupad ng kaltas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw, Martes, November 24.
Kapansin-pansin namang magkakaiba ang halaga ng ibinawas ng iba’t-ibang kumpanya ng langis sa presyo ng kanilang mga produkto.
Sa abiso ng kumpanyang Chevron ay nagpatupad ng 60 centavos na bawas sa kada litro ng gasolina, 50 centavos sa diesel at 75 centavos sa kerosene.
Mas mataas naman ng bahagya ang kaltas ng Petron, Flying-V at Sea Oil na 75 centavos sa gasolina, 50 centavos sa diesel at 80 centavos sa kerosene.
Ang kumpanyang Shell naman ay 65 centavos ang bawas sa gasolina, 45 centavos sa diesel at 80 centavos sa kerosene.
Habang ang mga kumpanyang Total, Phoenix Petroleum at PTT ay may bawas na 75 centavos sa gasolina at 50 centavos sa diesel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.