Cabagnot, nagtala ng PBA history sa panalo ng Beermen kontra Hotshots

By Len Montaño February 11, 2019 - 10:25 PM

Credit: PBA images

Walang kaalam-alam si Alex Cabagnot na isang assist na lang ang kulang niya para maabot ang rekord ni Philip Cezar sa PBA All-Time Assists list.

Nalaman lamang ito ni Cabagnot matapos talunin ng San Miguel ang Magnolia.

Sa laban ay nakatabla na ni Cabagnot si Cezar sa ika-8 pwesto na may rekord na 3,130 assists.

Hindi lamang ito ang rekord na naitala ni Cabagnot sa naturang laban.

Ang 36 anyos na San Miguel guard ay pasok din sa top 10 na may all-time steals sa ikatlong kwarter ng laro at naungusan na nito si NLEX guard Cyrus Baguio.

Si Cabagnot, na seven-time PBA champion, ay ang unang player din sa kasaysayan ng PBA na nagtala ng 3,000 assists, 600 steals at 800 na nagawang three points.

Sa laro kontra hotshots ay gumawa si Cabagnot ng 11 points, 3 rebouds, 4 assists at 3 steals para sa panalo ng Beermen sa score na 113-92 na back to back wins ng koponan sa 2019 Philippine Cup.

TAGS: 2019 PBA Philippine Cup, Alex Cabagnot, Magnolia Hotshots, PBA All-Time Assists, PBA history, Philip Cezar, San Miguel Beermen, 2019 PBA Philippine Cup, Alex Cabagnot, Magnolia Hotshots, PBA All-Time Assists, PBA history, Philip Cezar, San Miguel Beermen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.