Public viewing para kay “Bentong” itinakda ng kanyang pamilya
Magkakaroon ang mga tagasuporta ni actor-comedian Domingo Vusotros Brotamante Jr. o mas kilala bilang “Bentong” na makita siya sa huling pagkakataon.
Sa ipinadalang menshe ng isang kaanak ni Bentong sa Inquirer.net, sinabi nito na magkakaroon ng public viewing sa lamay ni Bentong simula sa araw ng Miyerkules (February 12).
Ayon sa pamilya, magsisimula ang public viewing mula alas dos ng hapon hanggang alas singko ng hapon sa St. Peter Araneta Avenue malapit sa S-M Sta. Mesa.
Samantala, ang pribadong pagbisita naman ng mga kaanak at malapit na kaibigan ni Bentong ay bukas anumang oras.
Nagpasalamat ang pamilya Brotamante sa pag-aalay ng respeto at dasal para sa komedyante.
Namatay si Bentong sa Fairview General Hospital sa Quezon City noong araw ng Sabado sa edad na 55 makaraan siyang dumanas ng heart attack.
Kilala si Bentong bilang isang “side-kick” comedian ng television host na si Willie Revillame.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.