P300M intelligence support ng Amerika sa Pilipinas ikinalugod ng Malakanyang

By Chona Yu February 11, 2019 - 12:46 PM

Welcome sa Palasyo ng Malakanyang ang P300 milyon intelligence fund na ayuda ng Amerika sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, patunay ito na malakas pa rin ang military alliance ng Pilipinas at Amerika.

Sinabi pa ni Panelo na pandaigdigang suliranin ang terorismo na walang kinikilalang teritoryo, pulitika, relihiyon at paniniwala.

Dagdag ni Panelo, kailangan ng tulong at kooperasyon ng bawat United Nations member country para labanan ang terorismo.

Tiniyak ni Panelo na lalo pang palalakasin ng pamahalaan ang hakbangin upang matiyak ang kaligtasan ng mamayan.

Nanawagan aniya ang palasyo sa lahat na maging mapagmatyag at ipabatid sa mga otoridad ang anomang kahina-hinalang kilos ng sinomang indibidwal o grupo na posibleng maghatid ng panganib sa mga inosenteng sibilyan.

TAGS: intelligence fund, P300 million, US aid, intelligence fund, P300 million, US aid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.