State of Emergency idineklara sa New Zealand dahil sa wildfire
Idineklara ng gobyerno ng New Zealand ang state of emergency sa ilang lugar dahil sa wildfire na halos isang linggo nang sinusubukang apulahin.
Sa district of Tasman, aabot sa 3,000 katao ang lumikas dahil sa banta ng sunog.
Sa ngayon ay malapit na ring maabot ng wildfire ang bayan ng Wakefield.
Ang patuloy na pagkalat ng sunog ay dahil sa sobrang lakas ng hangin na nararanasan sa lugar.
Umaasa si Prime Minister Jacinda Ardern na makikisama ang panahon para tuluyan na itong maapula.
Ang wildfire na ito sa bansa ay sinasabing pinakamalala mula taong 1955.
Umabot na sa 23 helicopter at dalawang eroplano ang sumusubok na patayin ang apoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.