Comelec, pinatatanggal ang campaign materials ng mga kandidato
Nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) na panananagutin ang mga kandidato at partido na mayroong illegal campaign materials bago ang pagsisimula ng campaign period sa February 12.
Sa isang press briefing sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na lahat ng campaign materials na nakapaskil ngayon ay paglabag sa campaign rules.
Hindi anya rason kung ang mga ito ay inilagay ng kanilang supporters nang hindi nila alam.
Ani Jimenez, kung nakakalat pa rin ang kanilang campaign materials bago ang campaign period ay maaaring isipin na hinayaan ito ng mga kandidato at kanila naman itong pinakikinabangan.
Nagpapadala na umano ang Comelec ng mga sulat sa mga partido at kandidato sa pagbaklas sa mga campaign materials.
Ayon kay Jimenez, hindi kailangan ng Comelec ang reply mula sa mga kandidato ngunit inaasahan nila na susunod ang mga ito bago ang February 12.
Pinuna rin ng poll body official ang kalakihan ng mga materials na lampas sa limit size na 2×3 o 3×2 at ang iba ay nakakalat pa sa mga lugar na hindi common poster areas.
Sa Martes magsisimula na ang campaign period sa national candidates at tatagal ito hanggang sa May 11.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.