Matapos ang rollback noong Martes ay sigurado na ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa darating na linggo.
Ito ay batay sa naging resulta ng trading sa world market hanggang Biyernes.
Ayon sa oil industry sources, maglalaro sa P0.95 hanggang P1.05 ang madadagdag sa kada litro ng gasolina.
Ang kada litro naman ng diesel ay posibleng madagdagan ng P0.55 hanggang P0.65.
Pati ang kerosene o gaas ay tataas din ng P0.80 hanggang P0.90 sa bawat litro.
Itinuturong dahilan ng pagtaas ng presyo ng petrolyo ang anunsyo ng Saudi Arabia na magbabawas sila ng produksyon ng langis na aabot sa 400,000 bariles kada araw at ang tensyon sa Venezuela.
Ang oil price adjustment ay kadalasang ipinatutupad araw ng Martes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.