3 bata patay, 50 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Mati City

By Den Macaranas February 09, 2019 - 01:08 PM

Contributed photo

Nawalan ng tahanan ang mahigit sa 50 pamilya makaraan ang malaking sunog sa Sto. Niño Sampalok sa Mati City, Davao Oriental.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, 11:30 pm kagabi nang magsimula ang sunog.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa mga light materials ang mga bahay sa lugar.

Kasalukuyan pa ring kinikilala ng mga otoridad ang tatlong mga bata na namatay dahil sa nasabing sunog na na-trap sa malaking apoy.

Pansamantalang nanunuluyan sa basketball covered court ng Brgy. Central ang mga biktima ng sunog habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.

Nagpadala na rin ng tulong sa mga biktima ang provincial government ng Davao Oriental at ang regional office ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

TAGS: BFP, davao oriental, fire, mati city, BFP, davao oriental, fire, mati city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.