Mahigit 1,000 naaresto sa pinaigting na police operations mula ng mag-umpisa ang election period

By Angellic Jordan February 08, 2019 - 08:49 PM

NCRPO Photo

Umabot sa mahigit 1,000 indibidwal ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) sa unang buwan ng pinaigting na police operations para sa May 2019 midterm elections.

Sa datos na inilabas ng PNP Public Information Office, nasa kabuuang 1,153 katao ang nahuli ng pulisya sa iba’t ibang operasyon mula January 13, 2018 hanggang February 7, 2019.

Narito ang listahan ng mga nahuling indibidwal:

– 1,087 na sibilyan
– 25 security guards
– 14 PNP personnel
– 14 government officials
– 7 miyembro ng umano’y threat group
– 3 iba pang law enforcement agency personnel
– 2 miyembro ng private armed group; at,
– 1 opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)

Ayon pa sa PNP, nasa 629 katao ang naaresto sa pamamagitan ng “police patrol response,” 186 sa bisa ng search warrant, 135 sa mga checkpoint operation at 13 sa bisa ng arrest warrant.

54 iba pa ang nahuli naman sa iba’t ibang police operation plans tulad ng Oplan Bakal, Sita, Galugad at iba pa.

Sa pagpapatupad ng gun ban noong January 13, umabot naman sa 7,332 na deadly weapons ang nakumpiska ng pulisya.

Kabilang sa mga ito ay ang 362 na improvised explosive devices (IED) at iba pang pagsabog, 358 matatalim at matutulis na bagay at 59 na granada.

Samantala, hindi naman bababa sa 757 na maliliit na armas ang narekober at isinuko sa pulisya.

TAGS: checkpoint, election period, PNP, checkpoint, election period, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.