Petisyon na haharang sa P4.15/kWh na dagdag singil ng Meralco pinaaaksyunan na sa SC
Hinikayat ng Makabayan bloc ang Korte Suprema na aksyunan na ang 2013 petition na kumukwestyon sa dagdag na P4.15 kada kilowatt-hour ng Meralco.
Sa inihaing mosyon, humiling si dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares sa mataas na hukuman na maglabas ng direktiba para maresolba na ang kaso.
Unang inihain ang petisyon noong December 2013.
Inihihirit sa petisyon na mahinto ang pagpapataw ng dagdag-singil sa kuryente ng Meralco.
Ayon kasi sa Meralco, ang shutdown ng Malampaya power facility ang rason ng patuloy na pagpapatupad ng dagdag-singil sa kuryente.
Kasunod nito, nagresulta rin ito sa pagsasara ng iba pang power facilities.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.