Dalawang bulkan sa Indonesia nagbuga ng lava

By Angellic Jordan February 08, 2019 - 07:18 PM

Matapos ang pag-alburoto noong nakaraang dalawang linggo, muling nagbuga ng lava ang dalawang bulkan sa Indonesia.

Ayon kay Volcanology official Kasbani, nagbuga ng lava ang Mount Merapi sa isla ng Java na umabot ng 2,000 metro pababa ng bulkan.

Bago ito, nagbuga rin ng lava at usok ang Mount Karangetang sa Siau island sa Sulawesi.

Dahil dito, nagkasa ng forced evacuation ang mga otoridad sa paligid ng bulkan.

Mula sa tatlong kilometro, pinalawig ng mga otoridad ang itinakdang danger zone sa apat na kilometro mula sa crater nito.

Gayunman, wala namang napaulat na nasawi o pinsala.

Hindi na rin itinaas ang alert ng mga nasabing bulkan.

TAGS: indonesia, java, Mount Karangetang, Mount Merapi, Siau Island., indonesia, java, Mount Karangetang, Mount Merapi, Siau Island.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.