Apat na barangay sa Cebu City, isinailalim sa State of Calamity

By Rose Cabrales February 08, 2019 - 03:42 PM

Isinailalim na sa State of Calamity ng Cebu City Council ang anim na sityo sa apat na barangay dahil sa naganap na insidente ng mga sunog.

Inanunsyo ito sa pamamagitan ng isang special session ngayong Biyernes.

Kabilang sa isinailalim sa state of calamity ang Sitio Calero sa Barangay Tinago, Sitio Paradise 2 sa Barangay Kinasangan, Sitios Bato, Pig Vendor, at Castilaan sa Barangay Ermita, at Sitio Tabokanal sa Barangay Poblacion Pardo.

Sa lahat ng nasabing sunog ay umabot sa 400 bahay ang tinupok ng apoy.

Naganap ang mga sunog sa loob lamang ng anim na araw simula noong Linggo ng umaga February 3 hanggang madaling araw ngayong Biyernes, February 8.

Dahil sa deklarasyon ng state of calamity sa apat na barangay ay maaari na nilang gamitin ang kanilang mga calamity funds para matugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng sunog.

TAGS: Cebu City, fire incident, Radyo Inquirer, Cebu City, fire incident, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.