Mga labi ng 2 Indian nationals na lulan ng bumagsak na Cessna plane sa Bataan natagpuan na

By Dona Dominguez-Cargullo February 08, 2019 - 02:17 PM

Matapos matunton sa bulubunduking bahagi ng Hermosa, Bataan ang kinaroroonan ng Cessna plane na naunang napaulat na nawawala, ay natagpuan na rin ang mga labi ng dalawang Indian national na lulan nito.

Patay sina Capt. Navern Nagaraja, ang piloto ng Cessna plane at ang student pilot na si Kuldeep Singh.

Lulan ng chopper ay dadalhin ang mga labi ng dalawa sa command center ng ng 1-Bataan sa Orani.

Ang Cessna C-152 ay pag-aari ng Fliteline Aviation School.

Noong Lunes pa iniulat na nawala ang eroplano habang pabalik sana sa Plaride, Bulacan.

Sa tulong ng mga volunteer mula sa Quadcopter Philippines na isang drone group ay natunton ang pinagbagsakan ng Cessna plane.

TAGS: bataan, Cessna Plane, hermosa, Radyo Inquirer, bataan, Cessna Plane, hermosa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.