63 barangay sa North Cotabato magiging bahagi ng BARMM

By Dona Dominguez-Cargullo February 08, 2019 - 01:45 PM

Aabot sa 63 mula sa 67 mga barangay sa North Cotabato na lumahok sa February 6 plebiscite ang magiging bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ito ay base sa final/unofficial results ng ginagap na plebisito sa North Cotabato.

Ang resulta ng canvassing ng municipal plebiscite ay dadalhin sa Maynila ngayong araw para bilangin ng National Plebiscite Board of Canvassers na siya namang opisyal na magdedeklara ng resulta.

Ayon kay Atty. Naguib Sinarimbo, secretary general ng United Bangsamoro Justice Party, na political party ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), ang resulta ng plebisito sa North Cotabato ay landslide victory pabor sa BARMM.

Base sa resulta, mula sa municipal Plebiscite Board of Canvassers 22 barangay sa bayan ng Pikit ang magiging bahagi ng BARMM; 13 barangay sa Midsayap; 12 sa Pigcawayan; 7 sa Carmen; 7 sa Kabacan; at 3 sa Aleosan.

Ang Cotabato City ay bumoto rin pabor para sa inclusion sa BARMM.

Ang apat na mga barangay na hindi mapapasama sa BARMM ay ang Galidan sa Tulunan, Balatican sa Pikit at ang Pagangan at Lower Mingading sa Aleosan.

TAGS: Bangsamoro Organic Law, BOL, North Cotabato, Bangsamoro Organic Law, BOL, North Cotabato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.