Apat na menor de edad arestado sa pagnanakaw sa mga tindahan sa Davao City

By Dona Dominguez-Cargullo February 08, 2019 - 08:55 AM

Arestado ang apat na menor de edad matapos pagnakawan ang ilang mga tindahan sa Davao City.

Ayon sa Davao City police ang apat ay pawang edad 10, 13 at 16.

Isang establisyimento umano ang pinasok ng mga menor de edad pero agad silang nahuli matapos mamonitor ang isa sa kanila na pumapasok sa pamamagitan ng butas sa kisame.

Hinala ng mga otoridad, ang grupo din ng mga kabataan ang nasa likod ng serye ng panloloob sa iba pang business establishments nitong nagdaang mga araw.

Ang dalawa sa apat na menor de edad ay mayroon nang rekord sa Sta. Ana Police station dahil sa pagnanakaw ng P200,000 na halaga.

Itinurn over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang apat.

TAGS: Davao City, minors, Radyo Inquirer, Robbery, Davao City, minors, Radyo Inquirer, Robbery

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.