MMDA nagpapa-saklolo sa mga Metro Mayors sa pag-develop ng mga bagong daan sa NCR

By Den Macaranas November 23, 2015 - 03:47 PM

SHOOTING OF BOURNE LEGACY IN TAFT-EDSA / JANUARY 27, 2012 Heavy traffic occur near Taft-Edsa during the shooting of Hollywood film the Bourne Legacy on Friday. INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Nagpapa-saklolo na sa mga Local Government Units ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa paghahanap ng iba pang pwedeng gawing alternatibong ruta bukod sa mga major roads ng Metro Manila.

Inamin ni MMDA Officer-in Charge Emerson Carlos na kung bibilangin ang mga sasakyan sa Metro Manila ay kulang pa rin ang mga Mabuhay lanes na pilit nilang isinasaayos sa kasalukuyan.

Ayon kay Carlos, mas alam ng mga LGUs ang mga pwedeng gawing alternatibong ruta sa kanilang mga nasasakupan kung kaya’t kailangan nila ang impormasyon mula sa mga ito.

Nauna dito ay inamin ni Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) Director Arnold Gunnacao na posibleng abutin pa ng hanggang sa kalagitnaan ng susunod na taon ang pagsasa-ayos ng mga labing-pitong Mabuhay lanes.

Sa ngayon aminado ang MMDA at HPG na may mga oras pa rin na talagang mabigat ang daloy ng trapiko partikular na sa kahabaan ng EDSA.

Ipinaliwanag ni Carlos na 300,000 vehicles per hour lamang ang kapasidad ng EDSA pero may mga pagkakataon lalo na tuwing rush hours sa umaga at gabi na umaabot ang mga volume ng sasakyan sa 800,000 kada oras.

Bukod sa paghahanap ng mga bagong ruta na pwedeng daanan, mas hinigpitan na rin ng MMDA at HPG ang pagpapatupad ng traffic rules sa mga major arteries ng Metro Manila.

 

TAGS: Carlos, Gunnacao, HPG, Mabuhay lanes, mmda, Carlos, Gunnacao, HPG, Mabuhay lanes, mmda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.