Naitala ang mga pagyanig sa lalawigan ng Leyte at Cagayan ngayong madaling araw ng Biyernes.
Ayon sa Phivolcs, magnitude 3.3 na lindol ang naitala sa layong dalawang kilometro Hilagang Kanluran ng bayan ng Capoocan sa Leyte kaninang alas-12:29 ng hatinggabi.
May lalim itong isang kilometro.
Kanina namang alas-2:53 ng umaga, isang magnitude 3.4 na pagyanig ang naganap sa layong 108 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Sta. Ana sa Cagayan.
May lalim naman itong 19 na kilometro.
Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig na hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian.
Hindi rin inaasahan ang kasunod pang mga pagyanig o aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.