Duterte sa ISIS: “Huwag kayong sumuko dahil papatayin ko kayo”
Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte ng mas maraming terroristic attacks ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) na isinalarawan nitong kahibangan at mula sa impiyerno.
Sa kanyang talumpati sa oath taking ng mga bagong talagang opisyal ng gobyerno, sinabi ng Pangulo na inaasahan niyang magsasagawa ang ISIS ng mas maraming pagsabog.
“We have this insane ISIS that they would kill. And I expect that they would do some bombings here and bombings there ‘cause that’s what they get in the Middle East,” ani Duterte.
“Ah pagka ganun patayan talaga ‘yan. No quarters given. No quarters asked,” dagdag ng Pangulo.
“Do not surrender because I will kill you. So that’s it. We have the ISIS. It’s a terrible… It’s a… That thing is or was made in hell. Kaya ko man pumatay ng tao but it has to be a good reason. Self-defense, defense of relatives, defense of stranger, fulfilling your duty as a peace officer,” giit ni Duterte.
Una nang inutos ng Pangulo na durugin ang mga terorista na kalaban ng estado kasunod ng mga pagsabog sa Jolo, Sulu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.